atty-toto-copy

GOOD news para sa mga may MTRCB Deputy Cards, magagamit pa rin ito sa buong Enero 2017.

Binanggit sa amin ng taga-Metro Manila Film Festival na extended ang bisa ng ID hanggang katapusan ng Enero dahil si Chairman Toto Villareal pa rin ang chairman ng Movie and Television Review and Classification Board.

Wala pa raw kasing nakikitang puwedeng ipalit kay Atty. Toto kaya nanatili pa rin siya sa kanyang puwesto.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nang huli naming makatsikahan si Atty. Toto ay handa na siyang bumaba sa puwesto at maging private citizen o bumalik sa kanyang practice as lawyer.

Ang kaso, maganda ang record ni Chairman Villareal sa MTRCB kasama na rin ang deputies niya. Kaya siguro nahihirapang humanap ng maipapalit sa kanya. (Reggee Bonoan)