megan-copy-copy

PANALO ang mud fight nina Megan Young at Andrea Torres sa Alyas Robin Hood na kahit puro putik ang dalawa, lutang pa rin ang ganda at kaseksikan nila. Comment nga ng isang netizen, nasaan daw ang hustisya?

Dahil sa nasabing eksena, marami ang male viewers ng action series na nagre-request ng more scenes na magkasama sina Megan at Andrea, nag-aaway man, nagtatarayan o may two-piece swimsuit showdown.

Hindi pa kasi maka-get over ang viewers sa face off nina Megan at Andrea na naka-two-piece swimsuit sila, at sinundan na nga nitong mud fight. Kitang-kita pa rin naman kasi ang kurba ng mga seksing katawan ng dalawa sa putikang suot nila.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

In fairness, hindi lang ganda at kaseksihan ang ipinamamamalas ni Andrea sa Alyas Robin Hood kundi pati na ang kahusayan sa fight o action scenes. Pati nga mismo siya nagulat na puwede rin pala siyang maging action star.

“Kung bibigyan ng chance ng GMA-7 na maging action star, bakit hindi? Para maiba ang image ko. Saka masarap gumawa ng fight scene at action scene, enjoy ako kahit mahirap pag-aralan ang routine. Saka dapat maging careful na hindi kayo magkasakitan ng kasama mo sa eksena,” sabi ng dalaga. (Nitz Miralles)