vanessa-at-ashley-copy

PAGKATAPOS ng small reunion ng Spice Girls noong New Year’s Eve, pagbabalik ni Ed Sheeran, may magandang balita naman para sa mga tagahanga ng High School Musical dahil muling nagsama ang mga bida nito na sina Ashley Tisdale at Vanessa Hudgens.

Ibinunyag ng dalawa na ang song cover pa lamang ang kanilang unang pagdu-duet sa kabila ng pagiging magkatrabaho nila noon sa sikat na musical film.

Kinanta nila ang acoustic version ng Ex’s and Oh’s ni Elle King kasama ang napaka-supportive na asawa ni Ashley na si Christopher French na tumugtog ng gitara.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Tila bumalik sa kabataan ang mga nanood ng video na umabot kaagad sa 250,000 views pagkaraan ng ilang oras simula nang i-post.

Muling inilunsad ni Tisdale ang kanyang YouTube Channel noong Oktubre at nakapag-post ng iba’t ibang video mula sa mga song cover, pagluluto ng kanyang favorite food hanggang sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa kanyang personal na buhay. (MB Entertainment)