sunshine-doreen-at-anton-copy

MASAYA ang Christmas ni Sunshine Dizon at ng mga anak niyang sina Doreen at Anthony sa kanilang bagong bahay.

Bigay ang three-storey new townhouse ng father-in-law ni Sunshine na si Mr. Lito Tan, na sa kabila ng mga nangyari sa kanila ng husband niyang si Timothy, hindi sila pinababayaan. At simula nang humingi ng public apology, medyo umayos na rin naman ang ugnayan nila ng kanyang estranged husband.

Bago ang bahay na ibinigay sa kanilang mag-iina, pero sa kabila ng pagka-busy ni Sunshine sa taping ng seryeng Ika-6 Na Utos, naasikaso pa rin niya ang renovation nito ayon sa gusto niya.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Siya rin ang personal na namamahala sa mga pagbili ng appliances at gamit sa bahay dahil gusto niyang bago lahat.

“Para rin masiguro ko na bagay sa mga anak ko ang mga gamit na safe nilang gamitin. Ini-enjoy ko naman ang ginagawa ko. Kapag walang taping ng soap, tuluy-tuloy ang pag-aayos ko sa bahay.

“Double work lamang kapag gusto mo talaga,” natatawang wika ng aktres. “Siyempre, inspired ako sa role ko bilang si Emma sa soap at hindi mahirap maka-relate sa role na may kaagaw sa pag-ibig niya kay Rome (Gabby Concepcion).

Makikilala na ni Emma na si Georgia (Ryza Cenon) ang kaagaw niya sa pag-ibig ng asawa, pero ano ang magiging feeling mo kung ang itinuturing mong friend at akala ay dumadamay sa iyo ay siya mo palang kaagaw?”

Sa mga naunang teaser ng soap nakitang slimmer na si Sunshine, hindi tulad ng napapanood ngayon na malaki pa siya.

“Yes po, dahil magigising na sa katotohanan si Emma, kaya hintayin na po lamang ng mga tagasubaybay namin kung paano magbabago si Emma. Salamat po sa mga nanonood at nagtu-tweet sa aming bawat eksena.”

Napapanood ang Ika-6 Na Utos araw-araw pagkatapos ng Eat Bulaga. (NORA CALDERON)