pamilya-nina-sharon-at-sen-kiko-sa-japan-copy

LULUBUS-LUBUSIN ng pamilya nina Sen. Kiko Panglinan at Sharon Cuneta ang kanilang holiday vacation sa Tokyo, Japan.

Kaya pagkatapos pa ng birthday ng Megastar sa January 6 sila babalik ng Pilipinas.

First time ito na magkakasama ang buong pamilya sa pagbabakasyon, pati na ang kanilang mga yaya at kasambahay.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Sa post ni Sharon sa Facebook nalaman na kasama nila maging ang kanyang tagamasahe na 22 years nang naglilingkod sa kanya.

Kumpleto rin ang mga anak nila ni Sen. Kiko, sina KC Concepcion, Frankie, Miel at Miguel. Ka-join din si Aly Borromeo ang boyfriend ni KC, na kasundung-kasundo raw ni Miguel.

Nakakatuwa ang posts ni Sharon na lagi silang nasa long table tuwing kakain at enjoy siyempre sila sa mga original Japanese food sa Ginza. Pero nitong New Year daw, nag-try naman sila ng American dishes sa Bubby’s American Cookery.

Kitang-kita ang kaligayahan ni Sharon tuwing kasama niya sa picture ang mga anak. Biro pa niya, sa picture lang daw siya mukhang malaki, pero kapag hindi na niya suot ang makakapal na winter clothes, payat na raw siya talaga.

Maligayang-maligaya siya na for the first time ay buo ang kanyang pamilya sa pagbabakasyon.

Ipinost din ni Sharon na out na ang first single ng kanyang bagong album sa Star Records. Hanggang Dulo ang title ng naturang single at inilunsad na ito last Monday, January 2, kahit wala pa siya sa Pilipinas.

Pagbalik nila sa bansa, balik-trabaho na si Sharon at maghahanda na rin para sa shooting ng pelikula nila ni Gabby Concepcion sa Star Cinema na ididirek ni Cathy Garcia-Molina. (NORA CALDERON)