NAKULONG ang TV host na si Ryan Seacrest kasama ang limang iba pa sa elevator ng Times Square bago ang kanyang paglabas sa Good Morning America ng ABC. Mabilis namang rumesponde ang mga bumbero para iligtas sila.

Patungo ang host ng Dick Clark’s New Year’s Rockin Eve with Ryan Seacrest sa crystal ball noong Biyernes ng umaga nang ma-trap siya sa elevator. Nag-post si Seacrest sa Twitter ng maiikling video na kuha sa naganap sa elevator.

Sinundan niya ang unang post pagkaraan ng 35 minuto, at makikita sa video ang mga bombero ng New York na binubuksan ang pintuan ng elevator. Nagpasalamat si Seacrest at iba pa sa mga bumbero at lumabas sa elevator.

Isinasagawa ang palabas tuwing Bagong Taon na dinadaluhan ng libu-libo katao sa Time Square. (AP)
Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony