kris-at-bimby-copy

SA ipinost na picture ni James Yap noong New Year’s Eve, si Josh lang ang nakapunta sa bahay nila ni Michela Cazzola para salubungin ang Bagong Taon. Hindi nakasama si Bimby dahil nagkasakit.

Ang gandang tingnan na kasama ni James at ng mga kaibigan niya si Josh, nasa isang mesa sila, may inuman, pero si Josh, soft drink ang nasa harap. ‘Katuwa na mas older sa kanya ang kasama at kakuwentuhan ni Josh. Binata na siya, dahil nasa early 20s na.

Samantala, nag-post naman si Kris sa Instagram na naka-confine sa St. Luke’s Medical Center sa Global si Bimby dahil sa stomach flu. Mataas ang fever ng kanyang bunso nang dalhin sa hospital, umabot sa 40 degrees, pero noong Sunday, bumaba na sa 37.5 ang fever nito. Nabanggit din niya na tuloy pa rin ang kanyang “bad cough and cold”.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ito ang caption ni Kris sa post na kuha sa kanila ni Bimby na magkatabi sa hospital bed: “Kuya wanted to go back to our temporary home, wawa naman nobody wants to be in a hospital on New Year’s Day, so I let him na... My baby’s napping, I’m just reading... Thank you to all my prayer warriors, IV rehydration & medicines are working, 37.5 na lang Bimb’s fever. Yes -- maarte ako but this boy really completes me. I have work tomorrow, a new endorsement (thank you God, blessing 2017 right away) but I needed to be sure my bunso is discharged before I could give go signal to my work. ”

Nakauwi na sila ng bahay kinagabihan. So, siguradong natuloy ang trabaho ni Kris kahapon.

Anyway, two months to go at tapos na ang ipinapatayong bahay ni Kris na sa nakita namin, may swimming pool na request ni Josh. Malaki ang kitchen na gusto niya at malaki ang kabuuan ng bahay. (Nitz Miralles)