angelina-copy

IPINAGDIWANG ni Angelina Jolie ang pagsisimula ng 2017 kasama ang kanyang anim na anak sa nagniniyebeng Colorado.

Inilaan ni Angelina, 41, at ng kanyang mga anak na sina Maddox, 15; Pax, 13; Zahara, 11; Shiloh, 10; at kambal na sina Knox at Vivienne, 8, ang mga huling araw ng kanilang holiday break sa pamamasyal sa Crested Butte, Colorado.

Nakitang naglalakad sa siyudad ang pamilya at pumapasok sa mga local shop. Noong Biyernes, namataan sina Angelina at Vivienne na magkasamang bumibili ng laruan.

Totoo bang nangangamatis ang bagong tuling ‘pututoy’ kapag nakita ng babae?

Hindi nakita si Brad Pitt sa biyahe nilang ito.

Ang winter getaway ng pamilya ay kasunod ng patuloy na custody battle ng dating mag-asawa sa kanilang anim na anak.

Noong Disyembre 21, 2016, nagsampa ng memorandum si Pitt na humihiling na selyuhan ang mga dokumento ng kanilang diborsiyo partikular sa custody, sa pagbibigay ng mga dahilan kung bakit kailangang manatiling pribado ang mga impormasyon. (People.com)