liam-at-miley-copy

PINASAYA ng magkasintahang Miley Cyrus at Liam Hemsworth ang mga pasyente sa San Diego children’s hospital sa kanilang pagbisita.

Sa Instagram nitong nakaraang Huwebes, nag-post si Miley ng mga selfie kasama ang mga pasyente at iba pang mga ginawa nila nang dumalaw sila sa Rady Children’s Hospital

Pinasalamatan niya ang mga staff ng ospital sa kanilang dedikasyon para mapabuti ang buhay at kalusugan ng mga pasyente na tinawag ni Cyrus na “the beautiful youngins.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Dumalaw si Cyrus para i-promote na rin ang kanyang Happy Hippie Foundation; ipinapakilala niya ito sa pamamagitan ng pagsusuot ng berdeng damit na may print na hippie-like floral.

Nananawagan siya ng suporta para labanan ang pang-aaping nararanasan ng mga taong walang tahanan at kabataang LGBTQ at iba pang inaaping grupo, saad sa website ng foundation. (AP)