ISINISIGAW ni Nonito Donaire ang rematch kay Jessie Magdaleno, ngunit iba ang nais ng kanyang promoter sa Top Rank na si Bob Arum.

Ayon kay Arum, inihahanda niya ang tinaguriang ‘Filipino Flash’ laban kay WBO featherweight champion Oscar Valdez (21-0, 19KOs), ang nangungunang boxer sa kanyang dibisyon sa kasalukuyan.

“That’s a great fight for Donaire and it’s a fight that we look to make for the first three months of the year. It would be Donaire at 126 fighting against Oscar Valdez,” pahayag ni Arum sa BoxingScene.com.

Nakopo ni Valdez ang WBO featherweight title nang patulugin si Matias Rueda sa ikalawang round at naidepensa ang korona kontra Hiroshige Osawa ng Japan sa ikapitong round. Ang naturang laban ay supporting bouth sa duwelo ni Manny Pacquiao kontra Jessie Vargas.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Dating featherweight champion si Donaire nang makopo ang WBA via technical decision kay Simpiwe Vetyeka noong Mayo 2014, ngunit nabigo siyang maidepensa ang korona kay Nicholas Walters noong Oktubre.