LONDON (AP) – Ipinahayag ni Bradley Wiggins ang pagreretiro sa cycling nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila), ang pagtatapos sa makasaysayang career tampok ang walong gintong medalya sa Olympics at kauna-unahang Briton na naging kampeon sa pamosong Tour de France.

Sa kanyang Facebook at Instagram page, ipinahayag ng 36-anyos na si Wiggins ang pagreretrio kasama ang mga larawan ng kanyang mga lumang race jersey, medalya at mga tropeo.

“I have been lucky enough to live a dream and fulfil my childhood aspiration of making a living and a career out of the sport I fell in love with at the age of 12,” pahayag ni Wiggins.

“2016 is the end of the road for this chapter, onwards and upwards,” aniya.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Itinuturing ‘most decorated Olympian’ ng Britain si Wiggins, tangan angwalong medalya, kabilang ang limang ginto tampok ang tagumpay sa team pursuit sa Rio de Janeiro Games nitong Agosto sa Brazil.

Inabot ni Wiggins ang pedestal ng tagumpay noong 2012 nang maitala ang makasaysayang ‘double victory’ nang magwagi sa time trial ng London Olympics ilang buwan matapos maghari sa Tour de France.

Ang pagdiriwang ng bansa sa tagumpay ay binansagang “Wiggomania” ng British press. Bilang pagkilala sa kanyang kabayanihan sa sports, ipinagkaloob sa kanya ang ‘Knighthood’ ni Queen Elizabeth II.

Sa nakalipas na buwan, naging usap-uapan ang pagkakasama niya sa mga atleta na binigyan ng therapeutic use exemptions (TUEs), gayundin ang isyu sa paggamit niya ng intramuscular injections ilang raw bago sumabk sa torneo, kabilang ang 2012 Tour.

Kinatigan ito ng pamunuan ng cycling federation at sinabing walang nilabag na probisyon at regulasyon si Wiggins sa doping program.

Kapwa itinanggi ni Wiggins at ng Team Sky management, ang dati niyang koponan na may pangaabusong ginawa ang cycling star sa paggamit ng naturang gamot.

Nagsimula sa cycling si Wiggins sa edad na 12 at makalipas na walong taon, nakamit niya ang unang Olympic medal nang magwagi ng bronze medal sa team pursuit sa Sydney Games. Sa 2004 Athens Games, nakuha niya ang ginto, silver at bronze medal sa tatlong magkakaibang event para tanghaling kauna-unahang British athlete sa nakalipas na 40 taon na nagwagi ng tatlong medalya sa isang Olympics.

Higit na nakilala si Wiggins nang magwagi ng gintong medalya sa team at individual pursuit sa 2008 Beijing Games.

“Apparently it’s a well-known phenomenon, but Olympic gold medalists usually only lose the plot for a month or so,” pahayag ni Wiggins.

“My bender (drinking) after winning three medals, including my first gold, in Athens in August 2004 lasted a good eight or nine months and I wasn’t quite right for at least a year... For a while my life threatened to spiral out of control,” aniya.