Patay ang isang binatilyo habang sugatan naman ang 10 kataong nagsiksikan sa isang tricycle makaraang makabanggaan ang isang truck sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot si Justine Vincent Del Rosario, 16, ng No. 34 Filrizam, Canumay West, dahil sa tinamong pinsala sa ulo at katawan.

Ginagamot naman sa Valenzuela Medical Center sina Gerald De Jesus, 23; Gessele De Jesus, 15; Apple Faye, 15; Angelito Quinto Santiago, 14; Gian Charles Gasparin, 15; Angela Del Rosario, 15; Rhealyn Nacor, 15; Maria Angel Narsoles, 12; at Rojan Carlo Encinas, 15 anyos.

Sa imbestigasyon ni PO3 Warren Andres, ng Vehicle Traffic and Investigation Unit (VTIU) ng Valenzuela Police, dakong 8:45 ng gabi nang mangyari ang aksidente sa T. Santiago Street sa Barangay Lingunan.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Sakay ang mga biktima sa tricycle na minamaneho ni Melvin Asitre nang makabangaan ng Isuzu tanker truck na walang plaka, at minamaneho ni Rolando Rosales, 51, taga-Dagat Dagatan, Malabon City.

Sa lakas ng salpukan, tumilapon ang mga pasahero ng tricycle, at sinawimpalad na masawi si Del Rosario.

Kusa namang sumuko si Rosales, na nahaharap sa reckless imprudence resulting to homicide at multiple serious physical injuries and damage to property. (Orly L. Barcala)