triplets_noon-at-ngayon-copy

NAGING senti ang Kapuso viewers sa lumabas na press release ng GMA-7 tungkol sa Triplets na kabilang sa cast ng Meant To Be.

Ang Triplets ay binubuo nina Manilyn Reynes, Tina Paner at Sheryl Cruz na muling pinagsama-sama sa nasabing primetime rom-com series na mapapanood simula Enero 9, 2017.

Comment ng isang viewers, pinapanood niya ang Triplets sa That’s Entertainment at dahil nga sobrang paborito niya pati notebook niya, Triplets ang cover. Kaya nagpapasalamat siya sa GMA-7 na ibinalik ang favorite group niya.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Mahigit 30 years din ang lumipas bago nagkaroon ng reunion ang Triplets na sinisiguro sa kanilang fans na masisiyahan sila sa kanilang mapapanood sa Meant To Be.

“Sa social media, they are really looking forward to watching us,” sabi ni Manilyn. Role ni Amelia na ina ni Billie (Barbie Forteza) ang kanyang ginagampanan. Hiwalay si Amelia sa asawang si Wilson (Keempee de Leon), kaya mag-isa niyang palalakihin ang mga anak nila.

Si Tina ay si Suzy, ang fraternal twin sister ni Amelia at nagtatrabaho bilang municipal clerk. Siya ang ina ni Mariko (Mika dela Cruz) na sobra ang selos kay Amelia, kaya hate niya ito at si Billie.

Si Sheryl ay si Beatriz, ina ni Ethan (Ivan Dorschner), goal-oriented at nagtatrabaho bilang assistant sa isang lifestyle magazine based in London. Babalik ng Pilipinas si Beatriz para pamunuan ang sariling publication.

Best of friends sina Amelia, Lucy at Beatriz noong college at trio singing group. Nang ma-disband ang kanilang grupo, nagkanya-kanyang buhay na sila.

Makaka-relate sina Manilyn, Tina at Sheryl sa kani-kanyang role dahil singer sila in real life at pare-pareho na silang mother dearest ng kani-kaniyang anak. (NITZ MIRALLES)