cast-of-meant-to-be-copy

LAGING binibiro ngayon si Barbie Forteza na ang haba-haba ng hair dahil saMeant To Be, ang bago niyang romantic-comedy series sa GMA-7, na apat ang kanyang leading man -- sina Addy Raj, Ken Chan, Ivan Dorschner at Jak Roberto.

 

Madalas silang nakikitang magkakasama na nagba-bonding, para maging comfortable sa bawat isa. Sa istorya kasi, friends ang apat na guys pero lahat mai-in love kay Barbie. Kaabang-abang kung ano ang kahihinatnan ng kanilang friendship dahil siyempre pang isa lang sa kanila ang magugustuhan at pipiliin ni Barbie.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Pero mukhang may edge si Jak sa tatlong kasama, dahil mas matagal na silang nagkakatrabaho ni Barbie. Mainstay sila sa Sunday Pinasaya, kaya mas comfortable na silang magkasama. 

At nakikita rin ito ng netizens na nagkakaisa sa pagsasabing may chemistry silang dalawa, lalo na sa mga skit na ginagawa nila sa “Boy’s Room” segment ng show.

Ibig sabihin, kailangang mag-extra effort sina Ken, Addy at Ivan para mapalapit din kay Barbie, sa personal, kung hindi man sa roles nila.  

Magsisimula nang mapanood ang Meant To Be sa GMA-7 sa January 9, 2017, mula sa direksyon ni LA Madridejos sa primetime block ng Kapuso Network. (Nora Calderon)