vhong-copy

NOONG nakaraang Martes inihayag ni Anne Curtis na engaged na sila ng kanyang fiance na si Erwan Heussaf. The following day, si Billy Crawford naman ang nagpahayag sa social media na engaged na rin sila ni Coleen Garcia.  

Dahil sunud-sunod ang planong pagpapakasal ng kanyang co-hosts sa It’s Showtime, naging private joke nina Vhong Navarro at ng mga kasamahan niya sa show kung sino ang pa ang susunod magpakasal.

“Sabi ko nga kanina na-hot seat ako ni Anne Curtis, sabi niya sa akin, ‘kailan ka ba?’ Sabi ko naman sa kanya, ‘teka lang, ako nauna sa inyo, eh, 21 years old pa lang nagpakasal na ako.’ Kaya lang po annulled na din po ako ngayon, ‘yun po ‘yung round one,” umpisa ni Vhong nang makaharap ng reporters.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“May round two pa naman, eh, pero soon kasi may mga bagay lang ako inuna sa ngayon, kumbaga ayaw ko lang din kasi na parang bibiglain lang na parang walang kaplanu-plano.”

Naging visible sa publiko ang kanyang long-time partner (na hindi niya pinangalanan) nang hindi siya nito iwanan at naging sandalan at umunawa sa kanya nang buung-buo nang masangkot siya sa isang kontrobersiya.

“Itong babae po na kasama ko ngayon ay isa sa mga taong nagmahal po sa akin nang buung-buo, kaya gusto ko sana na ibigay sa kanya ‘yung pinakamagandang wedding at ito ‘yung dream niya,” seryoso at emosyonal na sabi ni Vhong.

“Hangga’t maaari po lagi niya ako iniintindi sa mga bagay na kailangan ko muna unahin at alam naman po niya ‘yun, eh.

Natutuwa lang po ako kasi kung mayroon ako gusto gawin, lagi siyang andiyan sa likod ko naka-back-up sa akin, laging sumusuporta,” sey ni Vhong.

Naniniwala ang It’s Showtime host na darating din sila sa tamang pagkakataon para ituloy ang kanilang dream wedding.

“Kaya po sana ayaw ko nu’ng dahil lang sa nainggit tayo, gumaya at sumunod kami. Ayaw ko po nu’ng ganun, kasi may mga tamang paraan at may timing ang lahat hindi lang po natin alam kung this year or sa susunod pang taon. Gusto ko lang po nasa tama dahil ayaw ko nang magkamali, kumbaga this time sisiguraduhin ko na ito na ‘yun,” sabi pa ni Vhong.

(ADOR SALUTA)