jr-copy

KABABAYAN namin sa Cebu ang isa sa apat na bida ng Seklusyon na kalahok sa 2016 Metro Manila Film Festival, si JR Versales. Dating male model si JR pero hindi na bago sa kanya ang paggawa ng pelikula dahil dati siyang naging assistant sa special effects ng mga pelikulang Wapakman at Tiktik: The Aswang Chronicles. 

Pero pagdating sa aktingan ay first time niya ang Seklusyon. Mismong si Direk Erik Matti ang pumili sa kanya para sa role na Marco. Dumaan siya sa acting workshop at hindi naman siya pinabayaan habang nagsu-shooting.

“Siyempre, malaki ang pasasalamat ko kay Direk Erik kasi nu’ng una, eh, nahirapan talaga akong magbigkas ng Tagalog words. Matigas kasi talagang magsalita tayong mga Bisaya. At saka malalalim ang mga Tagalog sa script ng Sekslusyon. 

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

“Pero siyempre, ganu’n na lang talaga ang pasasalamat ko ki Direk dahil sa tiyaga niya sa akin. I really tried my best na mawala ang puntong Bisaya ko. Pinaulit-ulit niya akong pinababasa ng Tagalog para masanay ang dila ko,” napatawang kuwento ni JR. 

Hotel and Restaurant Management student sa University of Cebu si JR na tumigil sa pag-aaral dahil kapos sa pera ang pamilya niya. Ngayong nasa showbiz na siya ay umaasa siyang matutulungan niya ang mga ito.

“Hindi na kasi kami kayang pag-aralin nang sabay-sabay. Mother ko lang kasi ang nagwo-work noon at ang father ko naman passed away four years ago. Kaya ako na ang tumigil para ang ate ko ang magpapatuloy sa pag-aaral,” kuwento niya. 

Gumagawa siya ng paraan para matulungan ang pamilya sa gastusin nila kaya napasok siya bilang modelo sa Cebu. 

“That’s how I got into modeling sa Cebu. I modelled for designers. Mga formal and casual wear lang naman. At never pa naman akong nag-model ng mga underwear,” sey niya.

Ngayong nasa Maynila na si JR, miss na miss niya ang kanyang pamilya kaya araw-araw siyang tumatawag sa mga ito. 

Tatlong taon na siyang single o walang karelasyon. 

“Wala akong girlfriend. We broke up three years ago pa. Naging priority ko ang trabaho ko dahil sa family ko. Hindi niya ‘yun maintindihan kaya kami naghiwalay,” banggit pa ni JR Versales. (Jimi Escala)