jennifer-copy

SINORPRESA ni Jennifer Lawrence ang mga pasyente sa pagbisita niya sa Norton Children’s Hospital.

Ibinalita ng Courier-Journal na bumisita ang Oscar-winning actress sa ospital noong Christmas Eve.

Iniulat ng diyaryo na bumibisita si Jennifer, tubong Louisville, sa ospital taun-taon simula noong 2013. Ngunit inililihim niya ang mga pagbisita rito. Maging ang ibang hospital staff ay walang kaalam-alam sa pagbisita ng aktres.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Nag-post ang ospital ng mga larawan sa social media na nagpapakita na binisita ni Lawrence ang mga pasyente.

Nag-post din ng mga larawan ang ilang pasyente sa kani-kanilang social media accounts, kabilang ang litrato ni Jennifer kasama ang isang bata na nakabihis bilang Teenage Mutant Ninja Turtle.

“Didn’t have to do any photoshopping this year!!! I met this awesome lady. She is every bit of amazing as everyone says,” saad ni Melissa Xayayong sa caption niya sa larawan kasama ang aktres.

Noong Pebrero, nag-donate ang dalagang actress ng $2 million para itatag ang Jennifer Lawrence Foundation Cardiac Intensive Care Unit. (AP)