BERLIN (Reuters) – Lumikom ng mahigit $170,000 ang crowdfunding campaign para sa pamilya ng Polish truck driver na si Lukasz Urban. Namatay siya sa pagsisikap na mabawi ang manibela ng kanyang sasakyan na ginamit sa pag-atake sa Berlin Christmas noong nakaraang linggo.

Ang kampanya ay sinimulan ng British truck driver na si Dave Duncan noong Martes, isang araw matapos atakehin ng suspek na si Anis Amri si Lukasz at inararo ang truck nito sa Christmas market, na ikinamatay ng 12 katao. Nabaril at napatay ng mga pulis si Amri sa Italy nong Biernes.

Si Lukasz, 37, ay natagpuang patay sa cabin ng truck – tadtad ng saksak at may tama ng baril. Lumabas sa autopsy na sinaksak siya habang sinisikap na mabawi ang manibela at maiwasan na maimaneho ng suspek ang truck sa mataong pamilihan.
Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa