LOS ANGELES (AP) – Kabilang si Chris Webber, Ben Wallace, Tracy McGrady, Muggsy Bogues, Tim Hardaway at Rudy Tomjanovich sa listahan ng mga kandidato para sa 2017 Naismith Basketball Hall of Fame.

Kasama rin sa 2017 batch sina NBA legends Mark Aguirre, miyembro ng pamosong Detroit Pistons’ ‘Bad Boys’ championship team, four-time NBA All-Star Mark Price, Kevin Johnson ng Phoenix Suns, two-time NBA Defensive Player of the Year Sidney Moncrief at forward Terry Cummings, naging kasangga nang noo’y rookie player na si David Robinson sa San Antonio Spurs.

Si McGrady, isa sa pinakamatagumpay na ‘prep-to-pro player’ sa NBA, ay bahagi ng programang ‘The Jump’ ng ESPN. Ilang minutong hindi nakapagsalita ang dating Toronto Raptors star nang personal na malaman ang nominasyon mula sa co-host niyang si Rachel Nichols.

Pinangasiwaan ni Tomjanovich ang Houston Rockets sa dalawang NBA championship noong dekada 90. Kasama niyang kandidato ang mga pamosong coach na sina Del Harris, Bill Fitch, Cotton Fitzsimmons at Bill Bertka.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ipahahayag ang buong talaan ng mga nominado sa Biyernes na binubuo ng 18 player, 24 coach at tatlong referee.

Ilalahad ang finalist mula sa North American and women’s committee para sa Class of 2017sa press conference ng NBA All-Star Weekend sa New Orleans sa Pebrero 18.