SUMAGOT ang komedyateng si Ate Gay sa interview kay Nora Aunor sa Tonight With Boy Abunda na nagsabi ang superstar na hate niya na ini-impersonate siya ng comedians.
“Naiinis ako. Iyon ang totoo kasi puwede naman nilang gayahin ako. Okay lang ‘yon, eh, para makapagpatawa sila. Pero kung sobrahan nila, hindi naman ako ganu’n,” pahayag ni Nora.
Sa Instagram idinaan ni Ate Gay ang sagot kay Nora: “Ang masasabi ko lang ay mahal na mahal kami ni Teri ng nag-iisang superstar...Lab u po.”
Nag-guest si Nora sa show ni Boy Abunda para i-promote ang kanyang pelikulang Kabisera na isa sa walong entries sa Metro Manila Film Festival na magsisimula nang mapanood bukas. Malinaw ang sabi ni Nora, sa mga eksaherada ang panggagaya sa kanya siya naiinis.
Samantala, bakit kaya hindi sumipot si Nora sa guesting niya sa Family Feud ng ABS-CBN pa rin at hosted ni Luis Manzano? Last minute na raw ito nagpasabi na hindi makakarating sa taping dahil inaatake ng asthma.
Ang nangyari, binayaran pa rin ng network ang dapat ay makakalaban ni Nora sa laro dahil pinag-report sa taping ‘tapos hindi naman pala sila masasalang. (Nitz Miralles)