claudine-copy

KUNG pagbabatayan ang latest post ni Claudine Barretto sa Facebook, itutuloy talaga niya ang binanggit niya noon na pagdedemanda sa nanakit sa anak nila ni Raymart Santiago na si Santino.

Galit na galit na naman ang aktres sa post na ito:

“Be prepared to defend yourselves. Hope you guys have a Merry Christmas & a New Year in court. All Santino & I wanted was for your family to say ‘sorry’ and to assure us that your family will never raise your hand on my son or daughter. Dra. Bernadette Manalo-Arcena reaches out to you not only once but a couple of times ‘coz your son is hurting, angry & scared but ang tataas ng pride & ang yayabang n’yo. I won’t be the mother who protects my kids if I’d let this slide or worst sweep this under the rug. I suggest you guys prepare! Merry Christmas & have a hell of a New Year!”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

May ilang nagpayo kay Claudine na dapat ay ginawa niyang private ang family problem niya with the Santiagos. Pero sagot ni Claudine, “Wala namang difference dahil ma me media rin naman so okay lang na malaman na ngayon.”

Sinundan niya ito ng isa pang post na, “Papano nila malalaman kung di naman sila nagre-reach out to try to fix the problem. Through social media malalaman nila.”

Ilang linggo ring nanahimik si Claudine pagkatapos ng sunud-sunod niyang post sa Instagram hinggil sa pananakit diumano ng pamangkin ni Raymart sa anak nilang si Santino. Sa post niya sa FB, parang hindi lang ang diumano’y nanakit sa anak ang kanyang idedemanda dahil “yourselves” ang binabanggit.

May bashers si Claudine na naniniwalang nag-iingay uli ang aktres dahil ipalalabas sa Saturday ang guesting niya sa Maalaala Mo Kaya. Siya ang headliner sa episode ng drama anthology sa bisperas ng Pasko.