BERLIN (AFP) – Pinaigting ng German police ang paghahanap sa driver ng truck na umararo sa Christmas market sa Berlin. Inako ng grupong Islamic State ang madugong pag-atake.

Pinakawalan ang nag-iisang suspek, isang 23-anyos na Pakistani asylum seeker, noong Martes dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

‘’We can’t rule out that the perpetrator is on the run,’’ sabi ni Interior Minister Thomas de Maiziere.

Labindalawang katao ang namatay nang araruhin ng truck ang mga tao sa pamilihan noong Lunes ng gabi. Dalawampu’t apat sa mga sugatan ang nasa ospital pa rin, at 14 ang malubha.
Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa