sarah-matteo_please-crop-copy-copy

SMOOTH ang takbo ng relasyon nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. Ayon kay Matteo, okey ang lahat at masaya naman sila sa isa’t isa.

Pero aminado si Matteo na nagkakatampuhan pa rin naman sila ni Sarah. At normal lang naman ‘yun sa sinuman o anumang relasyon.

“Everything is okay. It’s a good balance of that and work,” sey ng Kapamilya actor.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kahit nagawan nila ng paraan na maging pribado ang kanilang relasyon, may mga isyu rin naman daw na kahit pilit nilang itinatago ay nabubuksan pa rin sa publiko.

“Well, hindi naman talaga maiiwasan ‘yan pero para sa akin, eh, okey lang naman ‘yun. Ang nakakatuwa lang talaga is the people na talagang very positive sila about me and Sarah,” sambit ng actor.

Sanay na rin daw sila sa anumang maaring lumabas na pang-iintriga sa relasyon nila.

“You know, we’re in showbiz, that’s really gonna happen. But thank you to everybody for being very positive and supportive,” wika ng binata.

Aminado si Matteo na wala na siyang magagawa sa mga taong hindi pabor sa relasyon nila.

“Well, bahala sila sa buhay nila. Pero sana, eh, magpakita kayo at magpakilala,” napatawang lahad ni Matteo.

Kuwento pa rin ni Matteo na ang mga ganung klaseng mga bagay at isyu ay hindi raw naman nila napag-uusapang dalawa ni Sarah.

“Sa totoo lang naman, kasi, eh, may mga negative na talagang hindi natin kayang iwasan, kahit saang bagay naman, eh, may gusto at merong ayaw din.”

Pero tiniyak niya na hindi kayang sirain ng mga panglalait at intriga ang relasyon nila ni Sarah.

“You know naman, our relationship is not for entertainment. It’s something real. You know, we’re taking the positive sides and throw away the negatives,” magan dang pangangatwiran ni Matteo. (JIMI ESCALA)