zsa-zsa-copy

PUMANAW nitong nakaraang Linggo sa edad na 99 si Zsa Zsa Gabor, ang isa sa mga pinakasikat na artista sa golden age ng Hollywood.

Kinumpirma sa ET ng kanyang asawa na si Frederic Prinz Von Anhalt na pumanaw na ang iconic star at nasa tahanan lamang sila at magkatabi nang pumanaw ito.

Nang kumalat ang balita tungkol sa pagpanaw ni Gabor, nag-post sa social media ang mga artista tulad nina Andy Cohen, Barbara Eden, at Antonio Banderas ng kanilang paggunita at nagbigay ng pagkilala sa aktres at socialite.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nag-tweet si Cohen ng pangalan ni Gabor kasama ang hashtag na #RIP.

Sinabi naman ng burlesque star na si Dita Von Teese na si Gabor ay “one of the wittiest beauties of all time!”

“I love all her hilarious quotes about love, but this one is a favorite: ‘Being jealous of a beautiful woman is not going to make you more beautiful,” aniya. (ET Online)