Inihayag ni Pangulong Duterte na magpapatayo ng isa pang mega drug rehabilitation center ang China sa Pilipinas sa mga susunod na buwan.

Sinabi ni Duterte na malaking tulong ang nasabing proyekto sa anti-illegal drugs campaign ng gobyerno.

Tinawag rin ng pangulo na may ginintuang puso ang mga Chinese dahil sa patuloy na suportang ibinibigay ng China sa pamahalaan.

Una nang nagtayo ng isang malawak na drug rehab facility ang isang bilyonaryong Chinese sa loob ng Fort Magsaysay sa Laur, Nueva Ecija. Kayang tumanggap ng pasilidad ng hanggang 10,000 adik.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinabi rin ng Pangulo na malapit nang mapakinabangan ng mga pasilidad para sa drug rehabilitation ng Department of Health (DoH) ang P1 bilyon na galing sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). - Beth Camia