sharon-copy

NAGDIRIWANG ang fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion dahil matutuloy na finally ang reunion movie ng dalawa.

Nakipag-meeting na si Gabby sa Star Cinema nitong nakaraang Huwebes at marami kaagad ang natuwa sa post ng manager niyang si Popoy Caritativo sa Instagram na, “Meeting at Star Cinema. Sharon-Gabby reunion?”

Bagamat hindi kumpirmado ang post ni Popoy, nagsilbing clue ang poster ng pelikulang Caregiver ni Sharon sa background ng picture ng aktor.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Hindi nagtagal, may posts na rin si Sharon sa kanyang Facebook account na, “I finally have a leading man. Yes, it’s really happening. Everyone, I am happy to announce the return of Sharon and Gabby on the big screen! Shooting begins January 2017. Tentative showing month: May 2017!”

Sinundan ito ni Sharon ng mga poster ng blockbuster movies nila noong 80s simula sa Dear Heart hanggang 90s. Nag-post din ang megastar ng photos ni Gabby na kuha sa meeting sa Star Cinema na nilagyan niya ng caption na: “The return to the big screen of Sharon and Gabby! Brought to you by ABS-CBN film productions Star Cinema Coming to you in 2017! Directed by Cathy Garcia Molina.”

Matatandaan na una nang nakipag-meeting si Sharon sa mga taga-Star Cinema at napag-usapan ang kanyang magiging leading man. May napili na raw ang Star Cinema, pero hindi binanggit kung sino. Ang ibinalita lang, si Cathy Garcia-Molina ang magdidirek ng balik-pelikula niya.

Sa presscon ng Afternoon Prime ng GMA-7 na Ika-6 Na Utos, nabanggit ni Gabby na open siyang makatrabaho si Sharon, hindi niya tatanggihan kung may project para sa kanilang dalawa. Idinagdag pa niya na matagal na niyang gustong makasama uli sa pelikula si Mega at para na rin sa Sharon-Gabby fans na matagal nang nagre-request na muli silang magtambal.

Siguradong aayusin nina Gabby at Popoy ang schedule ng aktor para hindi magkaroon ng conflict sa taping ng Ika-6 Na Utos na umiinit na kaagad ang istorya. Katunayan, nagagalit na ang viewers ng soap kina Gabby at Ryza Cenon sa panloloko nila kay Sunshine Dizon, bagay na ini-expect ni Gabby. (NITZ MIRALLES)