WASHINGTON (Reuters) – Naglalatag ang China ng mga armas, kabilang na ang anti-aircraft at anti-missile systems, sa pitong artipisyal na islang itinayo nito sa South China Sea, iniulat ng isang US think tank nitong Miyerkules, batay sa bagong imahe mula sa satellite.

Sinabi ng Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI) sa Center for Strategic and International Studies na natuklasan nila ito sa kabila ng mga pahayag ng liderato ng China na walang intensiyon ang mga Chinese na pumuwesto ng militar sa pinag-aagawang karagatan.

Sinabi ng AMTI na matagal na nitong sinusubaybayan ang konstruksiyon ng hexagonal na mga istruktura sa Fiery Cross, Mischief at Subi reefs sa Spratly Islands simula Hulyo at Hulyo. Nakapagtayo na ang China ng paliparan sa mga isla nito.

“These gun and probable CIWS emplacements show that Beijing is serious about defense of its artificial islands in case of an armed contingency in the South China Sea,” ayon dito, binanggit ang mga imahe na nakuha nitong Nobyembre.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Sinabi ni AMTI director Greg Poling na ilang buwan nilang pinag-aralan kung para saan ang mga istruktura.

“This is militarization. The Chinese can argue that it’s only for defensive purposes, but if you are building giant anti-aircraft gun and CIWS emplacements, it means that you are prepping for a future conflict,” aniya.