mariah-at-nick-copy

AYON kay Nick Cannon, hindi na niya kailangan pang sabihin sa kanyang dating asawa na si Mariah Carey na magkakaanak uli siya dahil alam na raw nito.

Ikinuwento ng host ng America’s Got Talent, na may anak na kambal kay Carey na sina Monroe at Moroccan, 5 taong gulang, sa Los Angeles radio station Power 106 na lumapit sa kanya si Carey nang malaman nito na magkakaanak siya sa kanyang dating girlfriend na si Brittany Bell.

“She came at me first about it, so it was actually easier,” sabi ni Cannon sa dalawang host na sina J Cruz at Krystal Bee. “I don’t know how she heard about it, but she called me, and she was funny with it. She was like, ‘Mhm, I heard about you out here in these streets.’”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Noong nakaraang buwan, inihayag ng isang source sa ET na ang pagkakaroon ng anak ni Cannon ay nananatiling “sensitive topic for (Carey),” nang makipaghiwalay ang mang-aawit sa billionaire businessman na si James Packer.

Magkasamang ipinagdiwang ni Carey at ni Cannon ang Thanksgiving kasama ang kanilang mga anak at patuloy ang pagiging mabuting magkaibigan.

Noong Lunes, ibinahagi ni Cannon sa Instagram ang larawan mula sa play date nina Carey at Beyonce kasama ang kanilang anak at kaibigan, at sinulat na: “Lucky A** Little Kids!!!! LOL.” (Entertainment Tonight)