kaye-at-paul-jake-_-copy

KUMPLETO ang buong pamilya at malalapit na kaibigan nina Kaye Abad at Paul Jake Castillo sa kanilang kasal last weekend sa Pedro Calungsod Church sa Cebu City.

Kuwento sa amin ng kaibigang taga-Star Magic, maraming dumalo na nanggaling sa Manila. Namataan niyang dumating ang mga kaibigan ng bride and groom from showbiz at Kapamilya bosses na sina Lauren Dyogi, August Benitez, Sylvia Sanchez at asawang si Art Atayde, Jason Abalos at kasintahang si Vickie Rushton, Patrick Garcia at asawang Nikka, Kitkat, Sue Ramirez, Pooh, Camille Prats at boyfriend na si VJ Yambao.

Nakapaganda raw ni Kaye nang hapong iyon. Ayon pa sa source namin, mismong si Vice Ganda ay talagang hangang-hanga sa beauty ni Kaye nang masilip raw ng TV host ang mga larawan sa Instagram.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Teary-eyed daw si Kaye nang pormal na siyang ihabilin ng kanyang ama kay Paul Jake Castillo. Pero kung pigil ang pagluha ni Kaye ay napaiyak naman ang magulang niyang sina Noel at Cecille Abad.

Bongga ang reception, kuwento pa rin ng source. Ginanap iyon sa Radisson Blu Hotel na mahigit sa 800 guests ang inaasahan pero sumobra pa raw.

Nang tanungin ang dalawa kung saan gagawin ang honeymoon ay napailing lang na natatawa si Kaye at binanggit na wala pa silang plano sa ngayon pero dito sila sa Pilipinas madiriwang ng Pasko.

Sinabi rin daw ni Kaye na parang wala pa rin namang pagbabago sa takbo ng buhay niya.

“Medyo, may adjustment lang, kasi dito na ako sa Cebu. Pero hindi naman siguro ganu’n kahirap kasi malapit lang naman ito sa Maynila. One hour lang, eh, nasa Manila na ako.

Pero ngayon talaga, eh, focused muna tayo sa pagiging asawa na niya at very soon sa baby namin,” napatawang banggit pa raw ng palaging simple at magandang aktres. (JIMI ESCALA)