cesar-copy-copy

HINDI nagpaapekto si Cesar Montano sa mga batikos na kaya lang siya na-appoint ni President Rody Duterte bilang COO of the Tourism Promotions Board dahil tumulong siya sa kampanya nito.

Lalong uminit ang mga intriga sa pagkaka-appoint kay Cesar dahil sa pahayag ni DOT Secretary Wanda Tulfo-Teo na hindi nito gusto ang aktor sa nasabing posisyon, wala lang itong magawa dahil in-appoint ni Pres. Duterte at kailangang sundin.

Sa isang interview, sabi ni Cesar, hindi siya ia-appoint ni Pres. Duterte kung walang nakitang kakayahan niya sa magiging trabaho.

“Hindi naman siguro ako ia-appoint if ‘di niya nakitang competent ang isang tao. Probably, nakita niyang we’re be able to promote the entire country,” pahayag ni Cesar.

Mga Pagdiriwang

Tuklasin: Mga kulturang weirdo at kakaiba pero ipinagdiriwang pa rin sa mundo!

Ang department ni Cesar ang mamamahala sa pagpo-promote ng mga programang pangturismo ng Department of Tourism.

(Nitz Miralles)