vilma-copy-copy

NAKARATING sa amin ang impormasyon na isa si Congresswoman Vilma Santos-Recto sa kinukuha para maging hurado sa Metro Manila Film Festival 2016.

Agad kaming nagpadala ng text message sa aming mahal na aktres para humingi ng detalye, na agad din naman niyang sinagot.

“Just learned it thru text! No official letter,” reply ng Star for All Seasons.

Trending

'Employed era is healing the inner child?' Post tungkol sa 'healing the inner child' umani ng reaksiyon

Napakaingay ngayon ang Metro Manila Film Festival na lahat ng entries ay pawang indie films.

Bukod kay Ate Vi, napag-alaman namin na may dalawa pang foreigner na magiging jury o magkakatulong pipili sa mga mananalo sa iba’t ibang kategorya ng awards sa festival. Sila ay sina Paolo Bertolin ng Venice International Film Festival at si Philip Cheah ng Singapore.

Hindi ito ang unang offer kay Ate Vi para mag-judge sa isang film festival. Kinuha na rin siya noon para maging jury sa Chicago Film festival at sa Hawaii International Filmfest.

Pero nang hingin namin ang reaksiyon ng Vilmanians, higit na nakakarami ang nagsasabing huwag na lang muna niyang tanggapin ang pagiging hurado sa MMFF 2016.

Katwiran ng mga ito, may entry raw si Nora Aunor at anuman ang kahinatnan ng pelikula ng Superstar sa awards night ay tiyak na madadamay na naman ang Star for All Seasons , huh!

Pero hindi isyu para kay Ate Vi kung may entry o wala ang kumare niya. Ang problema ay ang schedules niya na nakakain nang husto sa pagiging mambabatas niya at ng regular na pagbisita niya sa kanyang constituents sa Lipa City.

“Baka hindi rin kayanin ng schedules ko. Kasi full time ako ngayon sa Congress at sa Lipa. Sa MMFF, eh, kailangan ng time ‘yun sa mga previews and deliberations, baka maging unfair lang ako ‘pag ‘di ko nasunod ang mga proseso.

“Pero wala pa rin naman akong natanggap na official invitation, kaya mahirap mag-assume,” pahayag ng Star for All Seasons. (JIMI ESCALA)