marian-dong-usa-copy-copy

HINDI matutuloy ang plano nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na dalhin ngayong Pasko sa Spain ang anak nilang si Zia para makita ng lolo nito na tatay ng aktres.

Extended kasi ang Alyas Robin Hood at kahit mag-advance taping sila, hindi pa rin kakayaning magpondo ng episodes.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Kapag hindi nakapag-taping ng kahit isang araw, walang mapapanood ang sumusubaybay sa action series.

Ang biro nga ni Dingdong, ang mapupuntahan lang nilang mag-anak sa Pasko ay kina Marian sa Cavite. Pero itutuloy pa rin nila ang pagpunta sa Spain para magkita ang maglolo. Kailangan lang pagplanuhang maigi dahil magiging busy si Dingdong. Siguro pagkatapos na ng Alyas Robin Hood ito matutupad.

Ang sabi ni Dingdong, baka hanggang February 2017 pa eere ang Alyas Robin Hood, pero narinig namin sa isang staff ni Direk Dominic Zapata na baka hindi lang up to February ang takbo ng kanilang very successful na action series.

“Matagal na ako sa GMA at hindi ko akalain na sa 18th years ko rito, may darating na ganitong show. Nagbunga ang trial and error na ginagawa ng network dati. As an actor, hindi ko na-forecast ang warm reception ng viewers sa show at dahil ito sa one hundred percent dedication ng lahat. Hindi magiging successful ang Alyas Robin Hood kung fifty percent lang ang ibibigay ng involved sa show. Maraming factors kung bakit tinangkilik ang show,” pahayag ni Dingdong.

Busy year ang 2017 kay Dingdong dahil bukod sa Alyas Robin Hood, masusundan agad ang pelikula niya sa Star Cinema.

Kahapon, naka-schedule silang makipag-meeting ng manager niyang si Perry Lansigan for a new project after The Unmarried Wife na as of December 8, kumita na ng P246M worldwide.

“May bonus, siyempre, pero bonus na sa akin to work with Angelica Panganiban,” masayang sabi ni Dingdong.

Bukod sa new movie with Star Cinema, marami pang pelikulang gagawin si Dingdong at dalawa rito ay ipoprodyus ng kanyang Agosto Dos Pictures. Baka nga ibalik ni Dingdong ang Tiktik na napag-usapan na nila ni Direk Erik Matti.

Ibig bang sabihin, bati na sila ni Direk Erik?

“Nag-usap na kami. Wala naman akong dineklara publicly na away namin. Basta, nag-usap na kami,” sagot ni Dingdong.

(Nitz Miralles)