YANGON(AFP) – Hinimok ng United Nations ang de facto leader ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi na bisitahin ang estado ng Rakhine sa hilaga, kung saan inaakusahan ang army ng brutal na pagtugis sa mga Muslim Rohingya minority.

Sa isang pahayag na inilabas sa New York nitong Huwebes, direktang umapela si UN special adviser on Myanmar Vijay Nambiar sa peace icon na makialam na.

‘’The adoption of a generally defensive rather than proactive approach to providing security to the local population, have caused frustration locally and disappointment internationally,’’ aniya.

‘’I also appeal to Daw Suu to visit Maungdaw and Buthidaung and reassure the civilian population there that they will be protected,’’ dagdag niya, na ang tinutukoy ay ang mga isinarang lugar sa Rakhine.

Internasyonal

Sikat na nagyeyelong Mt. Fuji sa Japan, hindi nag-snow matapos ang 130 taon

Lumalakas ang pagbatikos ng mundo sa Nobel peace prize winner na walang ginagawa para matigil ang opensiba ng militar, na nagtaboy na ng mahigit 20,000 Rohingya sa hangganan ng Bangladesh, para takasan ang mass rape, murder at arson simula Oktubre. Inakusahan ng Malaysia ang army ng ‘’genocide’’.