vincekathjames-7-copy-copy

HINDI makapaniwala ang tatlong bida ng Vince & Kath & James na sina Joshua Garcia, Julia Barretto at Ronnie Alonte nang makapasok ang pelikula nila sa 2016 Metro Manila Film Festival.

“Sobrang happy kasi first time naming lahat na makapasok sa MMFF,” kuwento ni Julia sa press launch ng Vince & Kath & James. “And first real film ko ‘to.”

Medyo naguluhan ang ilang entertainment press sa ‘first real film’ na sinabi ni Julia, bakit, hindi ba totoong pelikula ang mga naunang ginawa niya?

Human-Interest

'Puro kayo Labubu, mas masaya to!' Paper dolls noong 90s, naghatid ng nostalgia

“Kasi the first I made it parang ano lang ‘yun, guest lang ako, introducing,” esplika ng dalaga.

Sa madaling sabi, title role o bida na kasi siya sa Vince & Kath & James na idinirihe ni Ted Borobol under Star Cinema.

“Yes, and this project is very close to my heart and very blessed,” sabi ng young actress. “Close to my heart kasi matagal ko nang pinag-pray ang ganitong klaseng proyekto.”

Halatang close na sina Joshua at Ronnie na panay ang biruan at laglagan sa harap namin.

“We have this such a good bond, kaming tatlo, we all get along and, di ba,” sabay baling sa dalawang boys, “we’re all celebrating Christmas together with our fans and families?”

Maglilibot daw sila sa mga sinehan sa December 25, simula ng pagpapalabas ng Vince & Kath & James.

“Kasama namin ang pamilya namin, ako lalo na ang mommy (Marjorie Barretto) ko na sobrang proud. Siya ang magsi-cinema tour,” natawang sabi ng dalaga.

Napansin namin ang malalagkit na titigan nina Joshua at Julia, kaya tinanong namin kung sila ba ang magkakatuluyan sa pelikula at si Ronnie ang third wheel at kung posibleng magkatotoo sa tunay na buhay.

Napatingin si Josh kay Julia na parang nahihiya, at saka sinabing pabiro, “Soon ‘yan, antay lang kayo.”

Kaya ang tanong kay Julia, may chance ba si Joshua kapag nanligaw sa kanya, at nakakatawa ang hirit ng aktor na, “Huwag mo nang sagutin ‘yan, ano ka ba, ang daming camera!”

Natagalan tuloy ang sagot ng dalaga na, “Ah, I think time will tell naman, eh. Ang hirap kasing sagutin ‘yan, lalo’t you’re not in that situation yet. I don’t know, iba-iba’ng priorities naming tatlo as we speak, pero love will come, it will come but we don’t know when.”

Baka naman ‘sila na’?

“Ako pa, honest kaming lahat, kaming tatlo dito, honest kami,” natawang sagot ng young actress.

Samantala, may nagtanong kay Joshua kung ginagaya ba niya ang acting ni John Lloyd Cruz dahil marami ang nakapansin na may hawig ang kilos nila.

“Hindi naman po, natural ko po ‘yun,” mahina at nahihiyang sagot ng bagitong aktor sabay tingin kay Julia.

“May hiya siya,” salo ng young actress. “I think it’s natural in him, it’s his appeal talaga, may ganu’n talaga na tao, pare-pareho. Hayan, nahihiya, ayaw niyang manggaling sa kanya, humble ‘yan, eh.”

“Nasalo mo ako ro’n, ah?” napangiting sabi ng binata kay Julia.

“Ha-ha-ha, naisip mo pa ‘yun? Nahabol mo pa ‘yun?” mabilis na tanong ng dalaga.

Namumula na si Joshua, kaya tinanong namin kung nagpapa-cute ba siya kay Julia.

“Hindi naman po. Hindi, joke lang.”

“Parati, hindi naman kailangan, oo parating nagpapa-cute,” pambubuking ni Julia.

Lalo tuloy nahiya at namula si Joshua.

Nang balingan namin ng tingin si Ronnie, pati siya ay naaaliw sa dalawang kasama sa pelikula.

Susme, mukhang may mabubuong love team sa totoong buhay sa Vince & Kath & James!

Tinanong din namin si Julia kung nakailang ka-love team na siya na pawang nawawala at napupunta sa iba, kaya inalam namin kung ano ang naging problema.

“I think kailangan para mag-work ang love team is dapat willing ‘yung dalawa na mag-work out. A loveteam is really all about teamwork, dedication and loyalty sa isa’t isa. Kasi siyempre, it’s normal in the industry na ma-link tayo sa ka-trabaho natin, pero if we gonna stay loyal do’n sa magiging desisyon ng management na maging ka-love team natin, it will really work out.

“Kasi gusto ng mga Pinoy ang loyalty and if they see it with us, ‘yun na ‘yung happiness nila at nai-enjoy nila at kailangan naming maibigay ‘yun,” magandang paliwanag ni Julia.

Hindi ba naging loyal ‘yung mga naunang ka-love team niya kaya hindi nag-workout.

“Hindi naman sa ganu’n, ano ‘yun, it’s destiny. Baka I’m not destined to be theirs (love team), baka ‘yung mga ka-love team nila ngayon, ‘yun ang destiny nila, iba naman ‘yung plan ng Diyos sa akin,” katwiran ng aktres.

Dagdag naman ni Ronnie bilang bagong ka-love team ni Julia, “Siguro ako, magpo-focus ako kay Julia kasi siya ang katrabaho ko sa teleserye (A Love to Last) kaya sa kanya ako magpo-focus. Kailangan kong ilapit ang loob ko sa kanya para mag-work ang chemistry namin talaga, ‘yun ang gagawin ko talaga.”

Samantala, napag-alaman namin na all’s well na si Julia at ang Papa Dennis Padilla niya.

“Everything is so much better than it was before, maybe steps talaga ‘yun and he’s still my father at the end of the day,” diretsong sabi ng young actress.

Pero hindi raw niya binanggit ang Vince & Kath & James kay Dennis.

“Sadyang hindi ko sinabi itong project kasi gusto ko siyang i-surprise, ‘tapos kapag napanood na niya itong pelikula, saka niya ako bigyan ng comments niya. I want to make my mom and dad proud because this is my first film and role na ganito.

“Wala silang alam, even my mom, wala siyang ideya kung ano ang karakter ko dito o ano ‘yung story, kaya she’s excited to watch, she’s curious,” nakangiting sabi ng dalaga.

Makakasama ba si Dennis sa cinema hopping nina Julia kasama ang pamilya niya sa December 25?

“I don’t know if he’s gonna join us and spending Christmas with us, but I hope so,” sabi ng panganay ng estranged couple na sina Dennis at Marjorie. (REGGEE BONOAN)