jomari-at-jean-lang_pls-crop-copy

HINDI nakaligtas si Jean Garcia sa pang-uusisa ng mga reporter sa blogcon ng Mano Po 7: Chinoy sa nasulat na nakita sila ni Jomari Yllana na magka-holding hands habang naglalakad sa Solaire.

Ang cute ng reaction ng aktres, hindi makasagot ng diretso at parang nahihiyang pag-usapan ang tsika.

Kaya lang, no choice siya, kailangan niyang sagutin ang tanong dahil nakaabang ang reporters sa kanyang sagot.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

May mga na-disappoint sa sagot niyang, “we’re good friends”. Halata sa reaksiyon ng reporters na mas higit dito ang gustong marinig.

‘Kaso, wala nang idinagdag si Jean maliban sa sinabing naging close sila ni Jomari dahil matagal silang nagkasama sa The Half Sisters. “Kaps” nga ang tawag niya rito at isa siya sa mga nangampanya nang kumandidato ito para konsehal.

Anyway, pressured sina Jean, Richard Yap at buong cast ng Mano Po 7 sa box office result ng Mano Po 7. Ang wish ni Jean, maging blockbuster ang Regal Films movie. Alam daw niyang papatok ito sa pamilya dahil maganda ang pagkakadirike ni Direk Ian Loreños.

Masaya ngang ibinalita ni Mother Lily ang sinabi sa kanya ng mga taga-MTRCB nang ipa-preview ang movie, ito na raw ang pinakamaganda sa Mano Po movies. Ang magdududa, maunang manood sa pelikula na showing sa December 14.

Sa Dec. 9 gaganapin ang premiere night sa SM Megamall, pagkatapos ng parade sa loob ng mall. May parade rin sa Binondo area sa Dec. 11, 4 PM, at ongoing ang tour sa mga Fil-Chinese school. (Nitz Miralles)