Hinikayat ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista ang mga botante na samantalahin ang holiday break upang makapagparehistro.

“The holidays is a good opportunity for them to do (register) so,” aniya sa panayam sa Taguig City, kung saan nagdaos ang poll body ng satellite registration, kahapon.

Nagsimula ang voters registration noong Nobyembre 7, 2016 at magtatagal hanggang sa Abril 29, 2017.

Sa Resolution 10166, ipinag-utos ng Comelec ang pagdaos ng kahit dalawang satellite registrations sa bawat barangay para sa pagpapatuloy ng voters’ registration para sa October 2017 Barangay and Sangguniang Kabataan polls.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

(Leslie Ann G. Aquino)