cesar-copy-copy

MEMBER na si Cesar Montano ng government family ni President Rody Duterte na in-appoint siyang COO of the Tourism Promotions Board. Uunahin lang daw na makapanumpa ang aktor sa harap ni Pres. Duterte at saka mag-iisyu ng official statement sa pagkakatalaga sa kanya sa nasabing posisyon.

Nabasa namin na ang COO of the Tourism Promotions Board, “is tasked with formulating and implementing an integrated domestic and international promotions and marketing program for the DOT.”

Maraming trabaho ang posisyon ni Cesar lalo’t dito gaganapin ang 2017 Miss Universe. Kung may mga naka-line up man siyang projects, mababalanse tiyak ni Cesar ang kanyang oras.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Hindi lang maiwasan na may mga negative reactions sa posisyon na ibinigay sa aktor at ang paniwala ng iba, napili siya para sa nasabing posisyon dahil isa siya sa mga nangampanya kay Pres. Rody noong nakaraang eleksiyon.

Inaabangan ng lahat kung kailan ang oathtaking ni Cesar, curious ang marami kung sino sa kanyang pamilya ang isasama niya sa Malacañang Palace. (NITZ MIRALLES)