Dahil umano sa pagpalag at panlalaban, duguang humandusay ang isang drug pusher sa ikinasang buy-bust operation sa Navotas City, nitong Sabado ng gabi.

Sa report kay Police Sr. Supt. Dante Novicio, hepe ng Navotas Police, dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan, dead on the spot si Aries Ramirez, nasa hustong gulang, ng Yellow Bell Street, Barangay North Boulevard (NBBS) ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon, dakong 10:00 ng gabi, ikinasa ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 4 ang buy-bust operation sa kahabaan ng Babansa Street, Navotas City.

Isang asset ng mga pulis ang nagpanggap na buyer ng shabu ngunit nang makatunog umano ang suspek ay agad itong tumakbo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hinabol ng mga pulis si Ramirez at dito na niya pinaputukan ang mga pulis hanggang sa magdesisyon ang awtoridad na pagbabarilin ang suspek na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Narekober kay Ramirez ang hindi pa matukoy na halaga ng shabu at isang cal. 38. (Orly L. Barcala)