SEOUL (AFP) – Sinimulan ng mga mambabatas ng South Korea noong Lunes ang serye ng mga pagdinig na isasalang sa hot seat ang mga bigating negosyante kaugnay sa corruption scandal sa pamahalaan ni President Park Geun-Hye.

Kabilang ang mayayamang pinuno ng family-run conglomerates gaya ng Samsung at Hyundai sa mga tetestigo sa parliamentary investigation bago ang impeachment vote para patalsikin ang pangulo sa Biyernes.

Inaakusahan si Park ng pakikipagsabwatan sa kaibigang si Choi Soon-Sil sa pahiling ng halos $70 million donasyon mula mga higanteng korporasyon para sa dalawang kahina-hinalang non-profit foundations.

Ang testimonya sa Martes ay iuukol sa pagtatanong sa corporate bigwigs, kabilang ang Samsung group scion na si Lee Jae-Yong, Hyundai chairman Chung Mong-Koo at pitong pinuno ng iba pang conglomerates kabilang ang LG, Lotte, Hanjin at CJ.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Kabilang sila sa pinakamayayaman at pinakamakapangyarihang mamamayan sa bansa na nadadawit sa binansagang ‘’Choi-gate’’ scandal.