jessy-copy

ANG sweet naman ng birthday message ni Luis Manzano sa girlfriend niyang si Jessy Mendiola na, “Happy, happy birthday Chopie, I’m up for any adventure with you... either a high or a low as long as I’ve got your hand by mine, Happy birthday.”

Walang comment si Jessy, nag-post lang ng heart emoticon. Si KC Concepcion ang nag-comment ng “Asuuuus!” Nag-comment din si Dawn Zulueta ng “Nilalanggam ako, sweet! Happy birthday @senoritajessy.”

Nalaman sa nasabing post ni Luis na ‘Chopie’ ang term of endearment niya kay Jessy. Curious ang fans nina Luis at Jessy kung ano naman ang pa-sweet na tawag ng dalaga sa boyfriend o kung pareho lang ang term of endearment nilang dalawa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Hindi sinagot ni Luis ang mga nag-uusisa kung bakit ‘Chopie’ ang tawag niya kay Jessy. 

Naalala tuloy ng fans ni Luis na ‘Kiti’ ang tawag niya kay Angel Locsin noong “sila pa” at ‘Mats Mats’ naman ang tawagan nila ni Jennylyn Mercado. (Nitz Miralles)