marlon-at-pia-copy

SILA na nga ba?

Nitong nakaraang Miyerkules, nag-post ang reigning Miss Universe na si Pia Alonzo Wurtzbach ng panibagong larawan sa Instagram kasama ang F1 race driver na si Marlon Stockinger, na kinunan sa Marina Bay Sands sa Singapore.

“Saw the Marlon in Singapore,” saad ni Wurtzbach sa kanyang IG post na umabot na sa mahigit 98,000 ang ‘likes’ kahapon ng umaga.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ibinahagi rin ni Marlon noong Martes ang larawan ng dinner date nila ng Filipino-German beauty queen sa Osteria Mozza, isang Italian restaurant sa Singapore.

Inihayag ni Marlon noong Oktubre na magiging perfect gift para sa kanya sa Pasko kung magiging girlfriend na niya si Wurtzbach.

“That would make an awesome Christmas gift,” ani Stockinger sa kanyang panayam sa Tonight With Boy Abunda ng ABS-CBN.

Inamin ni Stockinger, 25-anyos, na lumalabas-labas sila ni Pia.

“If Pia were here tonight, she would be my date,” sabi ng racing driver nang dumalo sa Star Magic Ball kamakailan.

“Obviously we’ve been seeing each other. I feel so lucky that we got to meet. And we’ve been seeing each other even since,” dagdag niya.

Natutuwa ang fans sa nai-post na mga larawan nina Pia at Marlon.

“Looking good together!” saad sa isang comment sa Instagram.

“I bet u are so proud of him @piawurtzbach, his family background was really impressive, in how he taking care his parents and siblings it will say a lot of him. his very gentleman and humble... u are both gorgeous and really look good together,” sabi naman ng isang follower.

“Perfect!” komento ng isa pang follower nila.

“Sila na?” tanong naman ng isa pa.

“Two good-looking people,” dagdag naman ng isa pang follower.

Noong unang bahagi ng taon, naiugnay si Pia kay Dr. Mikhail Varshavski, kilala rin bilang Doctor Mike. Ngunit natigil ang kanilang pagdi-date noong Mayo.

Ayon sa mga balita, nasa Singapore si Pia para maging guest judge ng Asia’s Next Top Model nang kumalat sa social media ang mga larawan niya at ni Cindy Bishop.

Magtatapos ang reign ni Pia sa Miss Universe kapag itinanghal na ang hahalili sa kanya sa beauty pageant na gaganapin sa Pilipinas sa Enero 30, 2017. (ROBERT R. REQUINTINA)