lady-gaga-copy

NAGBIGAY ng intimate performance si Lady Gaga sa isang shopping mall sa London nitong Huwebes ng gabi, para i-promote ang kanyang bagong album na Joanne at tinalakay ang hindi magandang naidudulot ng kasikatan at pagiging celebrity.

Halos 60 fans ang dumalo sa rooftop ng Westfield Mall para panoorin si Lady Gaga na nagtanghal ng acoustic version ng kanyang mga bago at lumang kanta, kabilang ang kanyang classic hit na Bad Romance.

“You know, during the holidays I love to be with family and that’s really why I chose to create Joanne,” sabi ni Lady Gaga sa Reuters Television.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“I feel that money and being a celebrity has been put on a pedestal and it’s not really at the center of happiness.

What is at the center of happiness is family and friendship and love and kindness,” aniya.

Pagkatapos ng pagtatanghal, nagpa-picture at nakipag-selfie si Lady Gaga kasama ang mga tagahanga na nanalo ng tiket sa show sa pamamagitan ng online contest sa website ng mall. (Reuters)