Bumulaga sa awtoridad ang apat na kalansay ng tao na pinaghihinalaang pinatay ng mga umano’y drug lord sa likod ng mosque sa Barangay 188, Tala, Caloocan nitong Martes.
Ayon kay Northern Police District (NPD) director Sr. Supt. Roberto Fajardo, matapos iparating sa kanila ng isang “very reliable asset” ang tungkol sa “secret graveyard” sa likod ng mosque sa Barangay 188, Tala, agad nilang prinoseso ang mga kinakailangang permit upang mahukay ang nasabing lugar.
“A very reliable informant told us about the secret graveyard. He told us that many victims of drug related killings were buried behind the mosque,” pahayag ni Fajardo sa Balita.
“According to our informant, these people were slain by drug lords because they either failed to remit drug money or were suspected to be police assets.”
Ayon sa source ng mga pulis, tumangging pangalanan, aabot sa 50 bangkay ang inaasahang madiskubre sa nasabing lugar.
(Jel Santos)