NAG-POST na rin si Ping Medina, ikinuwento ang nangyari sa set ng shooting sa Subic. May kahabaan ang post, pero binanggit na taliwas sa katotohanan ang sinabi ni Baron na sober na ito for five days at sinira rin ang pangako kay Direk Arlyn na hindi iinom sa set.
Nangutang kay Ping ng P200 si Baron, ibibili raw ng pagkain dahil nagugutom, pero pagbalik ng inutusan, apat na bote ng beer ang dala. Nag-sorry pa raw si Baron sa pagsisinungaling sa kanya.
The next day, may hawak pa ring beer si Baron at kinulit si Ping na mag-ensayo sila ng mga linya nila. Napansin ni Ping na namumula si Baron at hindi ma-memorize ang kapiranggot na lines at puro adlib ang ginawa. Nakita ni Ping na na-offend si Baron nang hindi niya pagbigyan sa request nitong mag-lines uli sila for the third time.
Panalo ang linya ni Ping na, “Ginawa natin ang eksena at natural, nilamon kita. Dahil magaling ako na artista.
Magaling ka rin naman, pero lasing ka.”
Nang kukunan na ang eksena, sinabi raw ni Baron na, “May gagawin ako sa ‘yo Ping, ah. Sana ‘wag ka magalit.” Naka-packaging tape ang mga paa’t kamay at bibig ni Ping sa eksena at naisip niya na baka duduraan siya ni Baron sa mukha, pero siyempre hindi siya makakilos at makapagsalita.
“Habang umiiyak ako, nagmamakaawa, di makagalaw dahil naka-packaging tape ang kamay at paa, at parang napansin ko:
binuksan ba ni Baron ang zipper niya? Siguro dahil ang lalim ko na sa eksena. Umiiyak ako at may luha ang mga mata ko kaya di ko makitang mabuti.
“In fairness, wala rin naman masyado makikita. Iniisip ko, baka daliri lang niya ‘yun. Mukhang pinky finger? Kamukha at kasing hugis ng lumang chips na Cornetto. (Totoo ‘ata ang chismis).
“Pero tangin_!!! Gagawin ba niya talaga ang gagawin niya???
“Napakabilis ng pangyayari. Naramdaman ko na lang na may bumabasa sa dibdib ko. Medyo mainit at may amoy.
“Unti-unti ko na-realize na p_tangin_, ginawa niya talaga ‘to.
“Umagos ito, basang-basa ang shirt ko. Umagos ito hanggang sa bibig ko. Buti may nakatakip na tape.
“One take lang dapat ang eksena: so sinubukan ko mag-stay in character. Pero at the same time nawawala na ako sa character.
“Umiiwas na ako sa agos ng ihi, pero ‘di ako makagalaw. Dapat nagmamakaawa ako eksena, pero ang nasasabi ko:
p_tangin_ ka! P_tangin_ ka! P_tangin_ ka!
“Sabi ko, dahil professional ako, sige tatapusin ko na ang eksena. Pero p_tang in_ yari ka sa ‘kin.”
Pagka-cut, nagpasukan daw sina Direk Arylyn. Nang tanggalin ang tape sa bibig niya, nakapagmura siya. Pero siniguro muna niya kung ihi ang bumasa sa kanya at nakita niya sa mga mukha ng tatlong gumaganap na pulis na kasama sa eksena ang kasagutan.
“Doon na nag-init ang mga kamay ni Ping. Sinubukan daw niyang kontrolin ang sarili at namili siya kung susuntukin ang cargo container na gawa sa bakal o babasagin ang mukha ni Baron, pinili niyang pagsusuntukin ang bakal.
“Dumerecho ako sa kanya, BINABASTOS MO AKO??? Hinahamon ko siya ng suntukan. Sinampal ko siya. ANO???ANO??? ANO???
“Pero nakita ko na hindi siya lalaban. Wala akong interes na bumugbog sa walang kalaban-laban.
“Dahil alam ko, kapag nabigyan na kita ng isa, mag-eenjoy na ako. At hindi ko na alam ang magagawa ko sa ‘yo.
Malamang something na pagsisihan ko. ‘Yung tubo sa gilid, muntik ko na damputin. Kaya naglakad na lang ako palayo.
“Ang tanong ko ngayon sa inyo: ito ba ang klase ng tao na gusto niyo makatrabaho?
“Sa akin simple lang ito: Baron, t_ngin_ mo. Hindi ka isang ganap na ‘actor’. Dahil ang tunay na actor ay may malasakit sa trabaho. Hindi ‘yung pumupunta ka sa set na lasing and God knows kung ano pa tinira ng p_tangin_ng yan.
“Baron, t_ngin_ mo. Hindi ka tao. Mas mababa ka pa sa hayop. Kasi ang hayop hindi iniihian ang kapwa na nangisi-ngisi pa nang patago. Nag-enjoy ka sa ginawa mo!”
Kuwento pa ni Ping, noong medyo kalmado na siya, nagpadala siya sa ospital dahil napansin niyang nabali ang kamay niya.
Nanawagan si Ping sa mga kasamahan sa industriya na huwag nang makipagtrabaho kay Baron.
May mensahe rin siya kay Baron:
“At para sa ‘yo, p_tangin_ ka. Darating ang lahat ng papunta sa ‘yo. Dahil itong 2016 ay ang year of the ‘change is coming’. Kaya please, lahat ng kasama ko sa industriya pakinggan n’yo ang panawagan ko. Dahil ‘pag nangyari ‘yun kukuha ako ng popcorn at beer na parang nasa sine lang ako.” (Nitz Miralles)