bianca-copy-copy

GANOON na lang ang reaksiyon ni Bianca Gonzalez sa kung anu-anong itinatawag sa grupo niya na kumokontra sa Marcos burial sa Libingan ng mga Bayani. Sira-ulo, mga walang modo, parang hindi nakapag-aral at kung anu-ano pang mga pangit na salita.

Kaya gumanti si Bianca sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.

“Tawagin n’yo na kaming bias, bobo, bayaran, dilawan at kung anu-ano pang insult, hindi pa rin naman mababago nyo ang kasaysayan. #MarcosNOTaHero!’ ani Bianca sa kanyang post.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Dagdag pa ng alaga ni Boy Abunda, walang maaaring magkuwestiyon sa anumang gusto niyang ipahayag, opinion niya ‘yun at may kalayaan at karapatan din naman ang lahat na magbigay ng kanilang saloobin.

“May kalayaan at karapatan kayong mga pro-Marcos at may kalayaan at karapatan din kaming maging tutol sa paglibing kay Marcos sa LNMB!” dugtong pang pahayag ng isa sa mahuhusay na Kapamilya host.

Ayon pa kay Bianca, marami rin naman siyang mga kaibigang die hard pa rin sa matagal nang namayapang dating pangulo.

“’Yung mga kaibigan kong mga pro-Marcos, eh, hindi kami nagmumurahan at nag-iinsultuhan dahil lang magkaiba kami ng paniniwala. Kumbaga, demokrasya lang,” sey pa ni Bianca. (Jimi Escala)