Aabot sa 18 lalaki ang nadakip ng mga pulis matapos ang sorpresang raid sa ilegal na sabungan o tupada, sa Navotas City, nitong Linggo ng umaga.

Ayon kay Supt. Bernabe Embile, paglabag sa PD 1602 ang isinampa sa 18 naaresto, kabilang dito sina William Mesia, 37; Domingo Abugue, 41; at Marvin Vicera, 26 anyos.

Sinabi ni Embile na bandang 10:40 ng umaga nang nakatanggap sila ng tawag mula sa mga residente sa Road 10, Sitio Sto. Niño, Navotas, kaugnay ng halos lingguhang tupada sa lugar.

“Maingay daw at talaga namang nakakaperhuwisyo na sa mga tagaroon, kasi ang lalakas ng sigawan,” sabi ni Embile.

Probinsya

King Cobra na nasagasaan ng pick-up truck, pinatay at inulam ng ilang residente

Sa pagsalakay ng mga pulis, nagkanya-kanya ng takbo ang mga sabungero ngunit nadakip ang 18 sa kanila. (Orly L. Barcala)