Ang PhilJobNet, internet-based na trabaho at sistema ng pagtutugma sa mga aplikante na isinasagawa ng Department of Labor and Employment (DoLE) ay iniulat na nangangailangan ng mga aplikante.

Ayon sa ulat ni Bureau of Local Employment (BLE) Director Dominique Tutay, ang mga posisyon para sa statisticians, math professionals at mga may kaugnayan sa associate professionals ang nangunguna sa mga bakanteng posisyon na naitala sa PhilJobNet.

Ang top 10 vacancies ay ang mga sumusunod: Receptionists and information clerks (1,972), shop salespersons at demonstrators (577), professional nurses (266), waiters, waitresses, at bartenders (257), domestic helpers at cleaners (132), other business professionals (113), supervisors sa budget and finance management (101), statistical, mathematical at related associate professionals (98), at helpers at cleaners sa offices, hotel at iba pang establishments (90).

Ang PhilJobnet ay isang pasilidad ng DoLE para sa mabilis na paghahanap ng trabaho. - Mina Navarro

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji