kris-khloe-kim-kourtney-copy

TINANGGAP nina Kourtney at Khloe Kardashian ang parangal sa kanilang yumaong ama sa New York noong Lunes, ngunit hindi nakadalo ang kapatid nilang si Kim na kinailangang alagaan ang asawa nitong si Kanye West.

Dumalo ang magkakapatid ng reality TV at ang kanilang ina na si Kris Jenner sa Gabrielle’s Angel Foundation for Cancer Research yearly fundraiser.

“It’s such a lovely event that Kim usually comes to. Khloe and I have never been. So we’re really excited and cancer is something that’s really near and dear to our hearts,” saad ni Kourtney sa mga mamamahayag sa red carpet.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Pregnancy and Infant Loss Remembrance Day, kailan nga ba nagsimula?

Pumanaw ang abugado na si Robert Kardashian, Sr. noong 2003, pagkaraan ng dalawang buwan simula nang ma-diagnose ng esophageal cancer. Pinarangalan siya noong Lunes bilang pagkilala sa kanyang philanthropic contribution noong nabubuhay pa.

Nagbigay ng tseke na nagkakahalagang $250,000 si Jenner para sa foundation na galing sa kanyang mga anak.

“We’ve been coming to the event for a few years and it’s been one of the most rewarding things that we do on an annual basis,” ani Jenner.

Itinatag ang foundation ng songwriter na si Denise Rich at ipinangalan sa kanyang anak na babae, na pumanaw 20 taon na ang nakararaan.

Inasahan na magiging unang public appearance ito ni Kim simula nang manakawan at tutukan ng baril sa Paris nitong Oktubre. Ngunit hindi siya nakadalo dahil naospital ang kanyang asawa sa Los Angeles sa labis na kapaguran.

Kabilang sa iba pang pinarangalan sina Dr. Carl H. June, director ng Center for Cellular Immunotherapies at director ng Parker Institute for Cancer Immunotherapy sa University of Pennsylvania, at Australian billionaire na si Heloise Pratt, chair ng Pratt Foundation. (Reuters)