Gigi Hadid (AP)
Gigi Hadid (AP)

INIHAYAG ng supermodel na si Gigi Hadid na ang kanyang panggagaya kay Melania Trump sa American Music Award noong Linggo ay “done in good humor with no bad intent.”

Sa kanyang handwritten note na ipinost sa Twitter, sinabi ng supermodel na naniniwala siya na “(future first lady) understands show business and the way shows are written and run.” Humingi na rin ng paumanhin si Hadid sa kanyang note sa lahat ng mga taong na-offend niya.

Naging host si Hadid sa awards night kasama ang Saturday Night Live impressionist na si Jay Pharaoh.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ginaya ni Hadid ang speech ng future first lady sa Republican National Convention at ang isang speech ng first lady na si Michelle Obama ilang taon na ang nakararaan. Ginaya ni Hadid ang accent ni Trump, sa pagsasabing: “I love my husband, President Barack Obama, and our children, Sasha and Malia.” (AP)