ellen-copy

INABANGAN ng press people si Ellen Adarna sa presscon ng Langit Lupa na ipapalit sa time slot Be My Lady sa ABS-CBN na magwawakas sa ilalim ng production unit ni Direk Ruel Bayani.

Sinubukan ng reporters kung sasagutin niya ang isyu tungkol sa kanila ni Baste Duterte bunsod ng viral photo sa social media na nagpapakitang naghahalikan sila. Ganoon man ang picture na nakikita, netizens is yet to confirm kung officially mag-on na nga ba sila.

No’ng makorner si Ellen sa stage ng Dolphy Theater after the prescon proper, paiwas niyang sagot, “Siya na lang ang tanungin n’yo.”

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Bago ito, sa tuwing tinatanong si Ellen about Baste, tikom lang ang kanyang bibig na sinasabayan ng ngiti media.

Nagsimula ang tsika sa Ellen-Baste romance nang i-post ni Ellen ang photos nila na magkasama together sa birthday celebration ni Beauty Gonzalez sa Siargao Island.

Kasunod na nito ang iba pang mga litrato nila at ang kumalat ngang photo ng paghahalikan nila. Baste’s manager neither confirmed nor denied the authenticity of the photos.

Lalo pang uminit ang usap-usapan tungkol sa rumored romance nila nang may i-post uli si Ellen na birthday message para kay Baste.

Hindi pa rito nagtatapos dahil napansin din ng netizens na magkasama sina Ellen at Baste sa Japan.

Kahit pa marami ang ebidensiya na nagpapakita ng kanilang closeness at sweetness, laging sinasabi ng aktres ‘friends ‘ lang sila, at hanggang doon lang daw.

Gagampanan ni Ellen sa pambatang seryeng Langit Lupa ang karakter ni Isadora, isang baliw-baliwang town girl na maiinlab kay Patrick Garcia. Mapapanood na ito simula sa Lunes, November 28, kapalit ng Be My Lady, na magwawakas na ngayong araw. (Ador Saluta)